Dear Lotto,

Ganyan ka na ba ka-paasa ngayon? Porke ang taas taas mo na? Madami ka nang sinasaktan? Masyado ka na atang abusado? Marami kaming gumagastos para makuha ka lang at dahil samen mas lumalake ka lalo. Mas ramdam mo pagiging mataas mo. Sana naman makapili ka na, kasi alam namin na kahit umaasa lang kami sa’yo. Pag nakuha ka namen tanggal lahat ng problema. Sana lang talaga, kung meron mang makakakuha sa’yo. Yung deserving at hindi ka lang gagamitin, hind ka ilalaan sa masamang plano. Kasi grabe lang, ang taas mo na.


Paiba iba ka pa ng number kada araw. Bakit ang gulo gulo? Napapakamot nalang ako pag di man lang ako nakapuntos kahit isa sa’yo. Sakin ka nalang please?


Love,
Umaasang manalo sa lotto